Lebel ng tubig sa apat na dam sa Luzon, bumaba nitong umaga – PAGASA

Bumaba ang lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon ngayong umaga.

Batay sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrology Division, nasa 190.54 meters ang water level sa Angat Dam, mas mababa ng 0.27 meters sa 190.81 meters kahapon.

Habang bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga dam ng San Roque, Magat at Caliraya.


Samantala, nadagdagan naman ang water level sa mga dam ng Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga, at Pantabangan.

Facebook Comments