Inamyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang metrics para sa pagtukoy ng alert level classifications ng mga probinsiya, highly urbanized cities at independent component cities, base sa rekomendasyon ng sub-Technical Working Group (TWG) on Data Analytic .
Ayon kay acting Presidential Spokesperson CabSec. Karlo Alexei Nograles, kabilang sa revisions ay kailangang mas mababa sa 6 ang cut offs para sa Average Daily Attack Rate o ADAR para sa low risk.
6 to 18 naman dapat ang moderate risk at higit sa 18 ang high risk.
Maliban dito, sinabi ni Nograles na ang mga nabanggit na uri ng lugar ay ibababa sa Alert Level 1 kapag naabot na ang low to minimal risk case classification, total bed utilization rate na mas mababa sa 50%, dapat fully vaccinated ang 70% ng target population at fully vaccinated ang 80% ng kanilang priority group A2 o senior citizen target population.
Gagamitin ito sa pagtukoy ng alert level classifications simula sa March 1, 2022.