Alert level ng granular lockdown na ipapatupad sa isang lugar, tutukuyin ng DOH

Tutukuyin ng Department of Health (DOH) kung anong Alert level ng granular lockdown ang ipapatupad sa isang lugar bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, hihingin ng DOH ang datos sa bawa’t ospital na may kaugnayan sa mga kaso ng COVID-19.

Ang mga datos na ito ang mismong titimbangin ng DOH at dito ibabase sa kanilang ilalabas na alert level.


Sa ngayon, sinabi ni Malaya na ang mga bakunadong miyembro lamang ng Philippine National Police (PNP) ang ipapakalat para magbigay seguridad sa granular lockdown.

Nasa 80% na ng mga pulis ang nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments