Mga pulong ng IATF, dapat manatiling confidential

Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na dapat manatiling confidential ang mga magaganap na pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasabay ito ng pagkalat ng video ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kung saan kinastigo ng kalihim ang isang grupo ng mga doktor na kasama sa pulong ng IATF.

Ayon kay Malaya, hindi dapat isinasapubliko ang mga diskusyon sa pulong dahil maaaring matakot nang magsalita ang mga dumadalo sa IATF meeting sa pangambang ma-bash online.


Samantala, sinabi ni Malaya na napatunayan lamang ng insidenteng ito na lahat ng sektor ay kinokonsulta ng IATF bago maglabas ng desisyon.

Facebook Comments