Alert level sa Marikina River, itinaas na sa ikalawang alarma

Itinaas na sa ikalawang alarma ang Marikina river dahil sa pag-ulan dulot ng Bagyong Paeng.

Batay sa Marikina city rescue 161, alas-1:50 ngayong hapon ay umabot na sa 16 meters ang lebel ng tubig sa ilog.

Batay sa Marikina City warning system, sa ilalim ng 2nd alarm ay ipatutupad na ang paglilikas sa mga residente sa mga kritikal na lugar gaya ng Barangay Malanday, Langka at Tumana.


Facebook Comments