P92-M halaga ng shabu, nakumpiska ng BOC sa isang dayuhan sa NAIA

Aabot sa P92.24 million halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang babaeng galing South Africa na dumating sa the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Batay sa BOC, dumating ang 40 taong gulang na suspek sa NAIA galing Johannesburg, South Africa pasado alas-11:00 kagabi.

Itinago nito ang 13,565 gramo ng shabu sa kaniyang false compartment sa kaniyang bagahe.


Nauna nang naharang ng mga tauhan ng BOC noong Huwebes ang isang Norwegian national na nakuhaan ng 8.34 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P56.7 million.

Facebook Comments