Alert Level System, ipapatupad na sa buong bansa

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng Alert Level System sa buong bansa.

Batay sa Executive Order 151, gagawin ang implementasyon ng Alert Level System sa apat na bahagi kung saan nauna nang ipinatupad sa National Capital Region (NCR).

Narito ang apat na bahagi sa implementasyon ng nationwide Alert Level System:


Phase 1: NCR, Region 3, 4-A, 6, 7, 10 at 11
Phase 2: Region 1, 8 at 12
Phase 3: Region 2, 5 at 9
Phase 4: Cordillera Administrative Region (CAR), Region 13 o CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nakapaloob din sa EO na maaaring ipatupad ang Phase 2 anumang araw batay sa magiging determinasyon at desisyon ng Inter-Agency Task Force pero hindi lalagpas ng katapusan ng Nobyembre.

Magkasunod namang ipapatupad ang Phase 3 at 4 pagkatapos ng tig-isang linggong pagitan.

Gagamitin namang guidelines sa nationwide implementation ng Alert Level System ang mga panuntunang ipinatutupad sa pilot areas.

Pero habang hindi pa ito naipapatupad sa ibang mga rehiyon ay mananatili ang quarantine community status base sa Omnibus Guidelines.

Facebook Comments