Inihayag ng OCTA Research Team na pwede ring ipatupad ang granular lockdown sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, simula kasi ng pilot testing ng Alert Level system sa Metro Manila, wala pang nakikitang spike sa COVID-19 cases ang grupo.
Maliban sa Pilipinas, kapansin-pansin rin ang pagbaba ng kaso sa mga bansang una nang nagpatupad ng granular lockdown.
Pero sa ngayon, kailangan pang makita ang kabuuang resulta ng isinagawang pilot implementation bago ito ipatupad sa iba pang rehiyon.
Samantala, lima pang probinsya sa Luzon ang tinukoy ng OCTA bilang provinces of major concern.
Kabilang dito ang Isabela, Cagayan, Benguet, Bataan at Laguna.
Facebook Comments