Alert Status sa Pangasinan itataas sa araw ng Undas

Itataas sa Blue Alert Status ang ang lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa close monitoring ng long weekend at Undas 2019.
Ayon kay Patrick Aquino, tagapagsalita ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, bumuo na ng quick response team ang bawat Disaster Risk Reduction Management Office ng bayan sa lalawigan upang marespondehan ng mabilis ang mga vehicular accident.
Kabilang din dito ang mga lugar na siyang babantayan na may bulto ng maraming biyahero gaya Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Pozorrubio, Binalonan at Urdaneta City.
Naabisuhan na rin ang mga lokal na pamahalaan ng bawat bayan na may mga tourist destination na maglagay ng police assistance at medical assistance lalong lalo na sa mga beach area.
Sinabi ni Aquino na full force ang ahensya sa ganitong selebrasyon at kinansela na ang mga leave ng mga empleyado nito. Samantala, maaring magtagal ang blue alert status hanggang sa November 3.
###

Facebook Comments