Dahil sa halos lahat na ng mga local candidates sa bansa ay naiproklama na matapos ang isinagawang midterm national and local election nitong Mayo a-trese.
Ibinaba na ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang alerto sa blue alert mula sa Red alert status epektibo kaninang alas -12:00 ng tanghali
Ayon kay AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo ibabalik lamang nila sa normal status ang kanilang alerto kapag naiproklama na ang mga nanalo para sa National Positions.
Panawagan ni AFP Chief of staff General Benjamin Madrigal, Jr. sa publiko na tapusin na mga isyu sa nakalipas na halalan at magkaisa para sa mas maunlad na Pilipinas.
Matatandaang 98,000 na mga sundalo ang ideneploy ng AFP para tumulong sa PNP sa pagbibigay ng mahigpit na seguridad para sa eleksyon.