Alerto ng NDRRMC itinaas na sa blue alert status

Itinaas na sa blue alert ang status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng tropical depression Falcon.

Kahapon ay nagsagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ang NDRRMC upang pag-usapan ang matinding epekto na dala ng bagyo.


Tinalakay ang pre-positioned ng mga family food packs (FFPs), emergency funds at food and non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkakahalaga ng 1.9 billion pesos.

Habang mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga regional offices para sa mga kinakailangang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.

Bagamat naglatag na ng proactive measures ang NDRRMC hinimok pa rin nito ang publiko lalo na ang mga maapektuhan ng bagyo na maging alerto sa lahat ng pagkakataon.

Facebook Comments