Inilagay nasa Full Alert Status ang puwersa ng Pulisya sa Luzon at Visayas para paghandaan ang epekto ng bagyong Tisoy.
Ayon kay PNP officer in Charge Lt Gen Archie Gamboa kalian ganito para mas mabilisang deployment sa mga lugar na mangangailangan ng tulong.
Kabilang sa mga lugar na mahigpit na babantayan ay ang mga venue ng SEA Games.
Sinabi ni Gamboa, na dagdag ito sa mga units ng PNP na inilagay na sa Full Alert Status gaya ng PNP SAF, MARITIME, HPG at mga Regional at Provincial Mobile Force Battallion.
Bukod sa pagtulong sa Preemptive evacuation ay naka pre-deploy na rin ang mga disaster response assets ng PNP.
Iniutos narin ni Gamboa ang lahat ng mga Local Police na makipagugnayan sa kanilang mga LGU at DPWH sa kanilang lugar para sa mga Road Clearing Operations.