Naka full alert na ang Philippine National Police sa buong lalawigan ng Samar matapos na maranasan ang 6.5 magnitude na lindol kaninang maga-alas -2:00 ng hapon.
Ayon kay PNP Region 8 Spokesperson Police Col Maria Bella Rentuaya sa ngayon gumagawa ng paraan ang PNP Region 8 partikular ang Disaster Incident Management Task Group para agad na makatulong sa mga lubhang apektado ng malakas na pagyanig.
Habang naka- heightened alert naman ang PNP sa Leyte.
Sa kasalukuyan wala pa silang natatangap na report na may casualties sa malakas na pag lindol, patuloy aniyang naka antabay ang Regional Headquarters ng PNP Region 8 sa mga reports mula sa mga Police Stations.
Sa inisyal na report na kanilang natanggap nawalan ng supply ng kuryente sa Samar, may mga tulay din aniyang bahagyang nag crack pero nadadaanan pa rin.