ALERTO | Philippine Coast Guard, nakahanda na sa posibleng ‘worst case scenario’ ngayong Mahal na Araw

34

Manila, Philippines – Handa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa worst case scenario ngayong Mahal na Araw.

Ito ay kahit wala pa silang natatanggap na anumang banta sa seguridad.

Ayon kay PCG spokesman, Capt. Armand Balilo – mas mainam na higpitan ang preparasyon sa panahon ng panganib o banta ng seguridad.

Apela ngayon ng PCG sa publiko, maglaan ng panahon at pasensya sa mga gagawing inspeksyon sa mga sasakay na pasahero sa mga pantalan.

Sa huling datos ng PCG, umabot na sa mahigit 80,000 na mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa bago ang Holy Week.

Facebook Comments