Sunday, May 31, 2026

NCRPO Chief Aberin, tiniyak na walang namo-monitor na banta sa seguridad sa paggunita ng Semana Santa

Walang namo-monitor na banta ang National Capital Region Police office (NCRPO) sa seguridad sa buong Metro Manila ngayong panahon ng Semana Santa.

Ito ang pagtitiyak ni NCRPO Chief Major General Anthony Aberin kasabay ng isinasagawa niyang pag-iinspeksyon sa mga bus terminal sa Metro Manila.

Pinatitiyak ni Aberin sa lahat ng mga district director sa NCR na panatilihing mapayapa at ligtas ang kanilang nasasakupan sa panahon ng paggunita ng mahal na araw.

Kuntento naman si Aberin sa nakita niyang latag ng seguridad sa mga terminal ng bus.

Wala naman aniyang naitatalang pananalisi o pananamantala ng mga kawatan dahil sa mahigpit na ugnayan ng pulis at barangay.

Maliban sa bantay-sarado ng mga pulis, may augmentation force pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) – NCR ang mga bus terminal sa kasagsagan ng dagsa ng mga pasahero na uuwi ng probinsya ngayong Semana Santa.

Facebook Comments