Alerto sa Bulkang Taal, ibinaba na sa Alert Level 1 dahil sa paghupa ng mga aktibidad nito

Ibinaba na ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level status ng Bulkang Taal.

Mula sa Alert Level 2 o decreased unrest ay ibinaba na ngayon ng phivolcs sa Alert Level 1 o low-level unrest ang Bulkang Taal dahil sa paghupa ng mga aktibidad nito.

Ayon sa PHIVOLCS, ang kondisyon ay Taal sa nakalipas na dalawang buwan ay maituturing nang baseline volcanic earthquake activity.


Bukod dito, naging maayos na rin ang pamamaga ng bulkan at humina na rin degassing nito.

Sa kabila nito, patuloy pa ring inirerekomenda na PHIVOLCS ang pagbabawal pa rin na pumasok sa Taal Volcano Island.

Facebook Comments