Alex Eala, hindi lalahok sa 2022 Australian Open

Hindi lalahok si Alex Eala sa 2022 Australian Open — ang parehong tournament kung saan ito nagwagi ng Grand Slam doubles title kasama ang kaniyang Indonesian partner noong 2020.

Paliwanag ni Eala, magpo-focus muna siya sa WTA women’s circuit para mapataas pa ang kaniyang world ranking at mabigyan ng tsansang makalaro sa mas malalaking torneo.

Aniya, dalawang women’s circuit tournaments ang kaniyang lalahukan kabilang ang WTA 1000 Miami Open qualifying sa Florida at sa WTA 250 Winners Open sa Romania.


Facebook Comments