Patay sa pananalsa ng Bagyong Odette, umkyat pa sa 367 – NDRRMC

Umakyat pa sa 367 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 732 naman ang nasugatan habang 62 ang nawawala.

Nilinaw naman ng NDRRMC na 44 pa lamang ang kumpirmadong nasawi dahil inaalam pa nila kung may kinalaman sa bagyo ang pagkasawi ng iba.


Umabot naman sa 918,877 pamilya o 3.56 million indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa 11 rehiyon sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments