Alex Gonzaga, ipinagtanggol ang kapatid na si Toni Gonzaga laban sa mga bashers

Ipinagtanggol ng vlogger, tv-host at actress na si Alex Gonzaga ang kapatid na si Toni Gonzaga sa mga bashers na kumukuwestiyon dito kung ano ang makabuluhang naitulong nito sa gitna ng COVID-19 health crisis.

Say ni Alex, ang tunay na kawanggawa ay hindi na kailangang pang ipakita at ibandera sa publiko.

Tama na kasi aniyang hindi na ito ilabas para hindi na makwestiyon kung ano ang dahilan ng pagtulong.


May mga proyekto rin naman aniya si toni tulad ng paglikom ng mga Personal Protective Equipment (PPE) at para sa mga bata.

Nabatid na isa si Toni sa mga ikinumpara ng basher kina Angel Locsin, Bea Alonzo, at iba pa na nag-ambag na tulong para sa mga frontliners.

Facebook Comments