Alex Gonzaga, nag-sorry sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa COVID-19

IG/@cathygonzaga

Humingi ng paumanhin si Alex Gonzaga matapos mag-post ng fake news tungkol sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa Twitter, ibinahagi ng actress-vlogger ang forwarded message na nagsasabing karamihan sa bagong COVID-19 positive ngayon ay nakuha mula sa grocery store.

Binura na ni Gonzaga ang naturang post matapos siyang i-tag ng isang netizen sa advisory ng Philippine General Hospital na pinabulaanan ang nasabing trend.


“Hello @Mscathygonzaga, you have 2M++ followers, i hope before you post something that has been forwarded to you, you may want to consider the ff: 1. Contemplate on the msg first 2. If you didn’t understand, try to ask 3. Or verify the info first. YOU’RE NOT HELPING SA TOTOO LANG,” saad ni @sayperjude.

Batay sa mensahe ng PGH, ang dalawang risk factor pa rin sa pagkakaroon ng virus ay “travel history from areas with known local transmission, and close contact with COVID-19 patients.”

Nag-sorry naman ang vlogger at dumipensang galing ang mensaheng iyon sa kaibigan niyang may kakilalang doktor.

Kasunod ng paumanhin, ipinost na rin ni Gonzaga sa kanyang account ang advisory ng PGH.

Facebook Comments