Bumbero na katatapos lang rumesponde sa sunog, patay nang maaksidente ang minamanehong truck

1282

Nasawi ang isang bumbero samantalang dalawa naman ang sugatan sa isang aksidente sa Quezon City dakong 11:30 ng gabi noong Linggo.

Batay sa ulat, naaksidente ang minamanehong truck ng biktima sakay ang dalawa nitong kasama dahil umano sa mabilis na pagmamaneho sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue.


Una raw nabangga ng humaharurot na firetruck ang isang trailer truck na patungo sanang Cavite na may kargang bigas saka biglang nagpaikot-ikot sa kalye.

Ayon sa sakay ng trailer truck, gumilid na raw noon ang kanilang sasakyan dahil nagwa-wang wang na umano ang bumbero.

Nakita raw niyang nagpa-ekis ekis na ang firetruck na sobrang bilis pa umano ng takbo.

Nabangga rin ng truck ang pader ng Manila North Cemetery at tuluyang tumama sa center island.



Naisugod pa sa ospital ang bumbero ngunit binawian din ito ng buhay habang nagtamo naman ng sugat ang dalawa pang bumbero.


Samantala, naiulat din na kagagaling lang sa Bagong Barrio, Caloocan ang mga bumbero dahil rumesponde umano sila sa sunog na tumupok ng hindi bababa sa 10 kabahayan.

Facebook Comments