Alex Gonzaga, pinagtanggol si Toni sa banat ng netizen na ‘Teddie walang kwenta’

21696

Dinepensahan ni Alex Gonzaga ang kapatid na si Toni mula sa akusasyong walang naitutulong ang aktres sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ito’y matapos na i-retweet ng isang netizen ang balitang naghahanda ng pagkain si Bea Alonzo para sa frontliners at sabihing, “SI TEDDIE SALAZAR LANG TALAGA WALANG KWENTA.”


Si “Teddie” ang papel ni Toni sa pelikulang Four Sisters and a Wedding, kasama sina Bea, Angel Locsin at Shaina Magdayao bilang magkakapatid na Salazar.

Bagaman hindi direktang binanggit si Toni, naglahad si Alex ng patunay ng mga naitutulong ng kanyang ate.

“Teddie Salazar walang kwenta pero yung Toni Gonzaga dami na naitulong di lang sya mapost. Ako magpopost teka lang,” sabi ng vlogger.

Nag-post si Alex ng litrato ng relief goods na mula raw kay Toni at nagbanggit ng iba pang charitable works ng aktres.



“The 4th batch of our 1k relief goods is from my sister. She has been continuously helping without posting anything,” aniya.


“She has built and renovated different churches, has scholars and regular feeding program for kids. Ako nalang magpost kasi im so proud of my generous Ate!” dagdag pa niya.

Bago ito, mayroon na ring isang netizen sa Instagram na minura, sinumbatan at inakusahan si Toni na “madamot”.

Tugon dito ng aktres, “I never broadcast the help we give. I don’t need your validation and praise for it. Some people can work and help in silence. Respect that.”

(BASAHIN: Toni Gonzaga sumagot sa netizen na minura, inakusahan siyang madamot)

Facebook Comments