Toni Gonzaga sumagot sa netizen na minura, inakusahan siyang madamot

7677
IG/@celestinegonzaga

Kalmadong sinagot ni Toni Gonzaga ang isang netizen na galit dahil hindi raw tumutulong ang aktres sa panahon ng krisis sa COVID-19.

Sa isang Instagram post ni Toni noong Sabado, na ngayon ay burado na, sinumbatan siya ng netizen at ikinumpara pa sa kapatid niyang si Alex.


“T*** i** Toni puro ka ganyan wala kami nababalitaan na tumulong ka na sa mga nangangailangan, puro si Alex lang marunong tumulong sa kapwa,” sabi ng netizen.

“Pinayaman ka ng taong bayan sa pag suporta sayo, matuto ka magbalik palibhasa nakahiga ka sa pera nakakain ka ng masarap nakakatulog ka ng mahimbing,” dagdag niya.

Himutok ng netizen, hindi raw nahihiya si Toni na ipakita sa social media ang pagkain niya ng masasarap habang “maraming namamatay na Pilipino.”

Mabilis namang sumagot ang aktres na nagsabing hindi niya kailangang ibalandra ang tulong na ginagawa niya.

“So much hate in your heart. I hope the lockdown will make (you) reflect on how you speak to others,” una niyang sabi.




“I never broadcast the help we give. I don’t need your validation and praise for it. Some people can work and help in silence. Respect that,” dagdag niya.

Nag-iwan din si Toni ng payo para sa netizen: “After washing your hands today wash your mouth also. It badly needs it.”

Screenshot by FashionPulis
Facebook Comments