Alice Guo, sumakit ang tiyan dahil sa tap water

Inireklamo ni Dismissed Bamban Mayor Alice Guo ang tap water sa kanyang selda sa Philippine National Police (PNP) custodial facility.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo tap water o tubig sa gripo kasi ang inumin sa piitan ni Guo kaya’t sumakit ang tiyan nito.

Kaya kahapon pinayagan ng PNP ang mga abugado ni Guo na magdala ng local mineral water para mainom ni Guo.


Kaninang alas-8:35 ng umaga nang tumulak ang convoy ni Guo patungong Senado para sumipot sa pagdinig

Kung saan inaasahang gigisahin sya ng mga senador hinggil sa umano’y koneksyon nito sa illegal POGO operations sa bansa.

Bago umalis patungong Senado nasa maayos na kondisyon si Guo at tanging tubig lamang ang kanyang ininom at hindi nag almusal bago sumipot sa hearing sa Senado.

Facebook Comments