Alicia-Malangas Road Project sa Zamboanga Sibugay, tapos na ayon sa DPWH

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ginagawa nilang tulay sa Alicia-Malangas Road Province sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar, ang nasabing tulay ay bahagi ng 23.730 kilometers PR-06 Alicia-Malangas Road Project na daraanan ng 15 barangay ng Bayan ng Alicia at Malangas.

Aniya, isa lamang ito sa walong tulay na proyekto ng DPWH sa kahabaan ng Alicia-Malangas Road Province na nagkakahalaga ng P1.318 billion. Target itong makumpleto sa April 2022.


Ang nasabing proyekto ay suporta para sa economic growth at development sa Western Mindanao kung saan inaasahang mababawasan ang travel time, magbibigay ng seguridad at magpapaganda ng peace and order sa lugar.

Facebook Comments