LTO, tigil-operasyon simula bukas

Simula bukas, pansamantala munang isasara ang lahat ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) Central Office at National Capital Region (NCR)-East sa Quezon City.

Ito ay upang bigyang-daan ang disinfection ng mga opisina para sa kaligtasan ng lahat at bilang pakikiisa sa paggunita ng Mahal na Araw.

Sa inilabas na abiso ng LTO, tatagal ang tigil-operasyon hanggang sa April 2.


Facebook Comments