Alitan ng Dalawang Magsasaka sa Delfin Albano, Isabela, Humantong sa Pananaga!

89

*Delfin Albano, Isabela- *Humantong sa pananaga kaninang pasado alas onse y medya ng umaga ang alitan ng dalawang magsasaka sa brgy Andarayan, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rogelio Valiente, nasa tamang edad habang ang biktima ay kinilalang si Jaime Ramos na pawang mga magsasaka at residente ng brgy Andarayan, Delfin Albano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP Delfin Albano, lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na habang nagpapahinga ang biktima sa terrace ng kanyang bahay ay bigla umano itong sinugod ng suspek na may dalang kawayan.

Maswerte naman umanong nakatakbo ang biktima sa kanilang kusina at nakakuha ng kalawit at itinaga sa kaliwang braso ng suspek bilang dipensa umano sa kanyang sarili.

Dinala naman sa Delfin Albano Hospital ang suspek para sa kanyang kaukulang lunas.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng kapulisan na may dati na umanong alitan sina Valiente at Ramos na humantong sa nasabing pananaksak.

Samantala, inihahanda na ngayon ng PNP Delfin Albano ang kasong Frustrated Murder na kakaharapin ng suspek na si Rogelio Valiente.

Facebook Comments