Alitan ng Magbayaw sa Makipot na Daan, Nauwi sa Pananaksak!

120

City of Ilagan, Isabela – Nagpapagaling na sa ngayon sa isang ospital ang lalaki matapos saksakin ng kanyang bayaw kahapon, Abril dos, taong kasalukuyan sa Barangay Calamagui 1st. City of Ilagan.

Kinilala ang biktima na si Christopher Zipagan, trentay kwatro anyos, walang asawa at welder. Samantalang kinilala naman ang suspek na si Rolando Ngayan, singkwenta anyos, may asawa, construction worker at pawang mga residente ng ng nasabing lugar.


Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, pinapapasok na umano ang biktima ng kanyang kapatid sa kanilang bahay na noon ay nasa loob ng traysikel na nag-iingay nang madatnan naman ito ng suspek na tinawag pa ni Zipagan.

Napag-alaman na ang dalawa ay positibo sa alak at kinalaunan ay bigla na lamang di nagkaintindihan ang dalawa na dahilan upang saksakin si Zipagan ng kanyang bayaw.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Luciana Zipagan, mismong ina ng biktima, nagsimula lamang umano ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa dahil lamang sa lupa at makipot na daan sa pagitan ng kanilang mga bahay.

Samantala kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima para sa kaukulang lunas at dinala naman kahapon ng mga pulis ang suspek sa PNP Ilagan.



Nagkaaregluhan din ang dalawang panig at nangako naman ang suspek na babayaran lahat ng gasto ni Zipagan sa ospital.


Facebook Comments