VP MANUAL RECOUNT | Kampo ni Dating Senator Bongbong Marcos, kabado sa pagbitaw sa recount ng 4 na PET revisors

Manila, Philippines – Nababahala si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pag-atras sa manual recount ng apat na head revisors ng Presidential Electoral Tribunal.

Ayon kay Marcos, umaasa sila na hindi ito magdudulot ng pagkaantala sa proseso ng recount at sa paglabas ng katotohanan sa aniya ay nangyaring dayaan sa Vice Presidential Race.

Nakakagulat aniya ang desisyon ng mga bumitaw na revisors lalo nat dumaan aniya ang mga ito sa rigid psychological test at sa mahigpit na screening.


Tila aniya may mabigat na dahilan ang pag-back out sa manual recount ng PET head revisors at kabilang siya sa mga Pilipinong naghihintay ng kasagutan hinggil dito.

Facebook Comments