Alkalde na kinasuhan ng rape at biktima, nagharap sa Mandaluyong Prosecutor’s Office

Isinagawa na ang preliminary investigation sa kasong rape na isinampa laban sa alkalde ng Cavite City sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office kaninang umaga.

Nagkaharap ang 18-anyos na biktima at ang akusado na si Cavite City Mayor Bernardo Paredes.

Sa inihaing salaysay ng biktima, 14-anyos pa lamang umano siya ng halayin ng alkalde kapalit ng paglaya ng ina sa kulungan.


Pinabulaanan naman ni Atty. Antonio Luis Paredes, ang legal counsel ni Mayor Paredes, ang alegasyon sa kaniyang kliyente at sinabing politically motivated lamang ito.

Pinagsusumite naman ng Prosecutor’s Office ng counter affidavit ang akusado.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa October 18, 2021.

Facebook Comments