PCOO, handang mag-draft ng panukalang batas na magpaparusa sa lilikha ng troll farm

Nakahanda ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na bumalangkas ng panukalang batas na magpaparusa laban sa sinumang lilikha ng troll farm.

Matatandaang natalakay sa budget hearing ng Senado ang pagkakaroon umano ng troll farm ng PCOO na mariin namang itinanggi ng mga opisyal nito.

Sa pagbusisi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi nito na magandang sa PCOO na mismo manggaling ang draft ng bill lalo pa’t doon naman umano galing ang key warriors.


Bilang tugon, gagawa ng panukala ang PCOO at kanila itong isusumite sa Senado.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, isasama nila sa panukala ang pagpapataw ng parusa sa mga magkakalat ng fake news.

Samantala, magpapatuloy ang pagdinig ng Senado sa budget ng PCOO sa darating na Sept 27, 2021.

Facebook Comments