ALKALDE SA MGA BAYAN NG BAYAMBANG AT SAN CARLOS CITY, BAKUNADO NA NG 1ST DOSE BILANG PAGHIKAYAT SA PUBLIKO

Bakunado na kontra COVID-19 ang mga alkalde ng Bayambang na si Mayor Cezar T. Quiambao at ang alkalde din ng Lungsod ng San Carlos na si Mayor Julier Resuello matapos matanggap ng dalawa ang kanilang unang dose ng Sinovac vaccine.

Nagtungo ang alkalde sa Vaccination Site sa Pugo Evacuation Center upang magpabakuna dahil siya ay kabilang sa priority list A2 o ang All Senior Citizens at A3 o Persons with Comorbidities ng Department of Health.

Bukod pa rito, maaari siyang makonsidera sa priority list A1 o Workers in Frontline Health Services dahil siya ay tumatayo bilang Chairperson ng Bayambang COVID-19 Task Force.


Ang pagpapabakuna niya umano ay isa sa mga paraan upang mahikayat ang kanyang mga nasasakupan na magtiwala sa kakayahan ng vaccines na panatilihing ligtas mula sa malalang epekto ng COVID-19.

Samantala, natanggap din ng alkalde ng San Carlos City na si Mayor Julier Resuello ang kanyang unang dose ng bakuna na Sinovac bilang kabilang ang lungsod sa high risk areas. Ito din umano ay paghikayat niya sa publiko na magpabakuna.

Ayon pa sa dalawang alkalde, na kapag mayroong pagkakataon ay dapat magpabakuna dahil ito ang natatanging paraan upang makabalik sa normal at makatulong sa pagbangon ang ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.

Facebook Comments