Nagpatawag ng pagpupulong ang alkalde ng Bayambang na si Niña Jose-Quiambao sa miyembro ng Kapulisan sa bayan.
Kaugnay umano ito sa tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng rape sa Bayambang.
Doon pinag-usapan ang mga programa na maaaring ipatupad upang hindi na tumaas ang kaso nito sa Bayambang at mga paraan pa kung paano mapapaigting ang pangangalaga sa kaligtasan ng bawat Bayambangueño.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng Project Oplan Sagip na pagbisita sa mga kabahayan kung saan ang mga magulang ng mga bata ay nagtatrabaho sa ibang bansa o mga batang nasa kustodiya ng kanilang tatay o ibang kamag-anak.
Ayon sa pulisya ito ang madalas na biktima ng rape. | ifmnews
Facebook Comments