BRIGADA ESKWELA 2022 AARANGKADA SA SAN NICOLAS PANGASINAN

38
Aarangkada sa bayan ng San Nicolas ang Brigada Eskwela 2022 ngayong buwan ng Agosto.
Ayon kay Dra. Alicia Primicias ang alkalde ng bayan na isasagawa ang oryentasyon ng aktibidad sa San Nicolas District 2 na lalahukan ng lahat ng mga paaralan sa bayan.
Pinayuhan din nito ang DepEd Officer Head sa bayan na magsumite ng resolusyon ukol sa 60,000 pesos na kakailanganin ng mga paaralan sa nasabing aktibidad.

Samantala, matatandaan na namahagi ang lokal na pamahalaan ng tig 200,000 sa siyam na paaralan noong nakaraang taon dahil sa kanilang maayos na pag-iimplementa ng Brigada Eskwela.| ifmnews
Facebook Comments