ALKALDE NG BAYAN NG BANI, NAG-POSITIBO SA COVID-19

96

Kinumpirma ng alkalde ng bayan ng Bani na siya ay nag-positibo sa covid-19.
Sa naging post ni Mayor Gwen Palafox-Yamamoto sa kanyang Facebook page, sa kabila umano ng kanyang pag-iingat ay tinamaan pa rin siya ng virus.

Saad pa nito na sa mahigit isang taon na sinisiguro ang kaligtasan ng lahat at sa araw-araw na pagtulong sa tao at pag-ganap ng trabaho, inaasahan na nito na maaari siyang mahawaan.

Kagabi, lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test na positive. Siya ngayon ay naka isolate at kasalukuyang nakararanas ng kawalan ng panlasa at masakit ang lalamunan.
Humihingi ngayon ito ng dasal upang malagpasan nito ang pagsubok gayong paparating pa lang ang crucial days ng kanyang sakit.


Facebook Comments