Alkalde ng Bohol, sinuspinde ng Sandiganbayan

Suspendido ang isang Bohol Mayor dahil sa kinakaharap nitong kasong graft.

 

Sa limang pahinang resolusyon, sinuspende ng 90 na araw ng Sandiganbayan 6th Division si Panglao Mayor Leonila Montero.

 

Si Montero ay sinampahan ng kaso kaugnay ng pagkuha umano sa mga natalong kandidato bilang mga consultants bago pa matapos ang one year ban na isang paglabag sa Local Government Code.


 

Sa pahayag ng Ombudsman, ang mga consultant ay kinuha bilang mga job order personnel pero walang pahintulot dito ang Sangguniang Bayan.

 

Si Montero ay sinampahan ng apat na kaso ng graft at apat na kaso ng paglabag sa Article 244 ng Revised Penal Code na nagpaparusa sa unlawful appointment ng unqualified persons sa gobyerno.

 

Iginiit ni Montero na wala itong ginawa upang maapektuhan ang kaso laban sa kanya kaya hindi na siya kailangan pang suspendihin.

Facebook Comments