Alkalde ng Carmona, ibinahagi kung paano natulungan ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Ping Lacson ang dalawang biktima ng kidnapping sa Cavite Ecozone

Ibinahagi ni Carmona, Cavite Mayor Roy Loyola na tumulong si Partido Reporma Chairman and standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa dalawang biktima ng kidnapping sa Cavite Ecozone noong siya ay pulis pa.

Kwento ni Loyola, sa tulong ni Lacson, na-rescue ang mga biktima at naibalik ang ransom money na ibinayad sa mga suspek na walang bawas kahit singko.

Aniya, mag-aabot pa sana ng tulong ang mga biktima kay Lacson bilang pasasalamat pero tinanggihan niya ito.


Ito ang dahilan kung bakit mariing sinusuportahan ni Loyola ang kandidatura ni Lacson bilang pangulo sa 2022 elections.

Giit nito, mayroong sapat na kasanayan at kaalaman si Lacson sa pagsasaayos ng pamahalaan kung saan sa panahon niya ay umayos ang mga pulis, naging magalang sa mga sibilyan at nawala ang kotong cops.

Kung napatino niya aniya ang pulis, tiyak na magiging patas ang pagpapatupad ng batas sa bansa.

Facebook Comments