Kulong ang hatol ng Sandiganbayan sa Alkalde ng Lanao del Sur dahil sa pagpapagiba sa ilang kabahayan noong 2013.
Hinatulang makulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon at anim na buwan sa tatlong kaso ng grave coercion si Kauswagan Mayor Rommel Arnado.
Noong 2013, pinalayas umano ng mga tauhan ni Arnado sa utos ng alkalde ang magkakamag-anak na Sambuat sa kani-kanilang bahay sa Brgy. Tacub.
Ipinagiba din ng alkalde ang mga bahay at kinontrol ang lupa.
Ayon sa mga biktima, kinausap sila ng alkade at pinapaalis dahil hindi umano kanila ang lupa pero tutol naman dito ang mga biktima na mayroong hawak na titulo.
Si Arnado ay naghain ng not guilty plea samantalang nagtago naman ang mga tauhan nito na sina Rey Camanian at Lauro Diputado, mga miyembro ng Civil Service Unit ng munisipyo, kaya ipinag-utos ng korte ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kanila.