Alkalde ng Lungsod ng Cauayan, Pinangunahan ang Paghahanda sa Bagyo!

32

*Cauayan City, Isabela-* Pinangunahan ni Cauayan City Mayor Bernard Dy ang paghahanda dito sa Lungsod ng Cauayan sa papalapit ng bagyong Ompong dito sa ating lalawigan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, nakahanda nang rumesponde ang pwersa ng PNP, DOH, DSWD at iba pang bumubuo sa kanilang Incident Management Team (IMT) sa magiging epekto ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito ay mayroon ng limang evacuation centers ang lungsod ng Cauayan para sa mga evacuees na matatagpuan sa Sillawit ng Tanap Region, Buena Swerte ng West Tabacal, FL Dy Coliseum ng Poblacion, sa Villa Luna ng East Tabacal, San Pablo at sa Gappal.

Dagdag pa ng alkalde ay nakahanda na rin ang mga ipapamigay na relief goods sa bawat evacuation centers dito sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments