Liquor Ban sa Lungsod ng Cauayan, Mahigpit na Ipinatutupad ngayong Panahon ng Bagyong Ompong!

20

*Cauayan City, Isabela- *Mahigpit nang ipinatutupad ng PNP Cauayan City ang Liquor ban sa buong Lungsod ng Cauayan dahil sa bagyong Ompong.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng PNP Cauayan City na nagsimula na kahapon ang kanilang pagpapatupad sa Liquor Ban o pagbabawal sa mga nakalalasing na inumin na dati na umanong ipinapatupad ng kapulisan sa tuwing may bagyo.

Ayon pa kay PSI Galiza ay nakahanda narin ang mga kasapi ng PNP Cauayan City at iba pang mga miyembro ng Incident Management Team (IMT) sa kani-kanilang mga designated areas sa sandaling manalasa ang bagyong Ompong dito sa ating lalawigan.

Bukod pa rito ay nakahanda na rin ang pwersa ng PNP Cauayan City na tumulong sa pagresponde, pamimigay ng mga relief goods sa mga evacuation centers at pagbabantay sa mga pangunahing tulay na naaabot ng tubig dito sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments