Blangko pa rin hanggang ngayon si Marawi City Mayor Majul Gandamra kung kailan at hanggang saan matatapos ang kagulohang nangyayari ngayon sa lungsod ng Marawi. Ito’y dahil magtatatlong buwan na simula ng sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga teroristang grupong Maute/Isis at miyembro ng militar ng bansa. Sinabi ni Mayor Gandamra na hanggat walang opisyal na pahayag ang kampo ng militar na ligtas na at wala nang teroristang grupo ang kanilang lugar hindi kailan man matatapos ang giyera sa kanilang lugar. Kahit nga ang kanyang mga kababayan ay ayaw pa rin niya itong pabalikin sa kani-kanilang mga lugar sa marawi kahit pa may ideneklara nang ligtas na lugar pero posible pa rin itong matamaan ng ligaw na bala. Inaasahan ni Gandamra na sa pamamagitan ng ipinakitang tapang ng sandatahang lakas ng gobyerno laban sa mga teroristang grupo at maging maayos at matapos na ang kagulohang nangyayari sa kanilang lugar. Panalangin ang hiling ni Gandamra sa sambayanan para magabayan ng panginoon ang hakbang ng mga militar sa pagbawi ng marawi laban sa mga teroristang kalaban.(GHINER L. CABANDAY, RMN DXIC ILIGAN)
Alkalde ng Marawi, blangko pa rin hanggang ngayon kung kailan matatapos ang gulo sa kanilang lugar simula nang sumiklab ito magtatatlong buwan na
Facebook Comments