Alkalde ng Pasig City, inulan ng mga papuri sa ginawang pagpapa-test sa mga health workers sa lungsod

Umani ng papuri at pasasalamat ang tinanggap ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa desisyon nitong unahin muna ang mga Health workers at mga Frontliners sa isinagawang resulta ng unang dalawang araw ng Rapid Testing para sa mga #frontliner kung saan karamihan sa mga na-test ay Health workers.

Sa kanyang Facebook page umani ng mga papuri at pasasalamat ang natanggap ni Mayor Sotto sa mga komento ng mga nitizens kung saan gumamit ang LGU ng Pasig ng Rapid Test at kung sino man ang positibo ay isasailaim sa Quarantine hanggang sa dumating  kanilang confirmatory PCR-based test results.

Paliwanag ng alkalde kinakailangan umanong  protektahan ang ating mga frontliners para tayo namna ang kanilang poprotektahan.


Giit ni Mayor Sotto tanging ang mga kwalipikado lamang na Persons Under Investigation,at  symptomatic Health workers ang kailangang ma-swabbed para sa  PCR-based testing kahit na walang Rapid Testing.

Facebook Comments