Mobile mass COVID testing, isasagawa mamaya sa San Juan City

Pinaghahandaan na ng pamunuan ng San Juan City Government ang  pagsasagawa ng Mobile PCR COVID-19 Mass Testing na gaganapin mamayang alas-dos ng hapon  sa Basketball Court ng Barangay Corazon De Jesus, Artiaga Street, San Juan City.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora mayroong Testing booths para sa mga  PUIs at iba pang tao na kwalipikado sa kriterya upang sumailalim sa Mass Testing ay kinakailangang  dumaan sa swabbing ng kanilnag mga Personnel mula  sa City Health Office at  San Juan Medical Center.

Paliwanag ng alklade ang nasabing swabs ay dadalhin nila kanilang DOH certified partner Molecular Diagnostics Laboratory at UP-NIH.


Dagdag pa ni Mayor Zamora na ang iba pang mga ditalye ay ihahayag nito mamaya sa pagsasagawa ng Mass Testing para malaman ng publiko kung ano nag kanilang gagawin.

Facebook Comments