Kinasuhan at pinapasuspende ng ilang negosyante ng Pigcawayan ang alklade ng bayan Mayor Jean Dino Roquero matapos di umanong umabuso sa kanyang kapangyarihan may kaugnayan sa usaping pwesto (stalls) sa gymnasium.
Ang kasong Administratibo ay inihain ng pitong complainant , sa tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan.
Agad namang nagbigay ng pahayag ang kampo ng Alkalde sa pamamagitan ni Atty. Noel Gretare, legal counsel ni Mayor Roquero, at nilinaw ang mga ibinabatong akusasyon
Sinasabing nag -ugat ang isyu matapos makapagpalabas ng Executive Order si Mayor Roquero na nagpapawalang bisa sa naunang inilabas na EO 42 na dating alkalde ng bayan.
Ayon sa kampo ni Mayor Roquero inilabas ang EO 42, ilang araw bago magtapos ang panunungkulan ng pinalitan nitong administrasyon. Agad rin aniyang may nakakuha ng pwesto na hindi dumaan sa maayos na proseso.
Kaugnay nito, ang pagpapaliban ng pagbubukas ng pwesto at operasyon ng mga negosyante sa gilid ng gym ay upang bigyang daan ang Economic Enterprise Adjudication Committee na makapag-ugnayan pa sa ibang interasadong mga negosyante.
Natanggap ng kampo ni Mayor Roquero ang order mula SP noong May 27 ngunit agad naring nakapagpaliwanag noong June 11.
Samantala napag-alaman ng kampo ng Alklade na ang lahat ng mga Complinant ay kamag-anak o malapit na kaanak, ng ilang incumbent Municipal Councilors at dating opisyal ng bayan, kabilang pa ang isang Brgy. Kagawad.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Alkalde ng Pigcawayan nilinaw ang usaping Suspension Order
Facebook Comments