Unboxing video ni Matteo Guidicelli, pinagtripan ni Nico Bolzico

Patok na patok sa mga netizen ang kalokohan ng asawa ng sexy actress na si Solenn Heussaff na si Nico Bolzico makaraang tila gayahin nito ang unboxing Playstation Pro 1TB video ni Matteo Guidicelli.

Ipinost ni Nico ang isang video sa Instagram kaugnay sa pagbubukas niya ng regalo na natanggap nitong Father’s Day.

Sa 51 segundo na IG video, gumawa si Nico ng pagkukumpara ng unboxing ng regalo ng isang normal na tao versus sa unboxing ni Matteo.


May caption pa ang video na “no hard feeling Mat!” na patama sa kaibigan.

Sa ngayon ay umabot ng mahigit 249,000 views ang video ni Nico na kinagigiliwan ng netizen.

Matatandaang na-bash sa social media si Matteo nitong nakaraang linggo dahil sa hindi tamang pagsasagawa nito pag-a-unbox ng Playstation Pro 1TB kung saan mas marami pa ang dislikes nitong nakuha kumpara sa likes.

Facebook Comments