Alkalde ng Pililla, Rizal, nagpositibo sa COVID-19

70

Nagpositibo sa COVID-19 si Pililla Mayor Dan Masinsin.

Nagsimulang makaramdam ng mga sintomas ang alkalde noong Lunes at agarang nagself-isolate.


Naisagawa ang kaniyang swab test noong August 15 at lumabas noong August 17, 2020 kung saan positibo siya sa COVID-19.

Naka-admit si Mayor Masinsin sa isang pribadong ospital at nasa maayos na kalagayan.

Inaabisuhan ng Municipal Health Office ang lahat ng kaniyang nakasalamuha mula August 8 na magself-monitoring at mag-home quarantine ng 14 days.

Samantala, ang mga magkakaroon ng mga sintomas gaya ng ubo, lagnat, sakit ng katawan, at kahirapan sa paghinga ay maaaring tumawag o mag-text sa Municipal Health Office sa numerong 09778309321.




Facebook Comments