Halos 2,000 pang Pinoy repatriates mula sa iba’t ibang bansa, dadating ngayong araw sa NAIA

1,945 overseas Filipinos repatriates ang dadating ngayong araw sa bansa.

Ayon sa Manila International Airport Authority- Media Affairs Division, kabilang dito ang 300 overseas Filipinos repatriates mula Dubai sakay ng Philippine Airlines flight PR659, gayundin ang 350 Pinoy repatriates mula Riyadh, Saudi Arabia.

Bukod pa dito ang 350 Filipino repatriates mula Jeddah, Saudi Arabia na sakay ng Saudia Airlines at 300 Pinoy repatriates mula Abu Dhabi na sakay ng Etihad Airlines flight EY424.


Samatala, ang 200 Filipino repatriates mula Thailand na sakay ng Philippine Airlines flight PR731 ay dadating ngayong 4:00 ng hapon.

195 Pinoy repatriates din mula Haneda, Japan sakay ng Philippine Airlines flight PR421 ang dadating ngayon bago mag -alas-5:00 ng hapon gayundin ang 250 Fililpino repatriates mula naman sa Korea sakay ng Asiana Airlines flight OZ703 na dadating mamayang 10:05 ng gabi.

Facebook Comments