Alkalde ng Rizal, Cagayan, Malaki ang Pasasalamat sa mga Nagpaabot ng Tulong sa mga Agta Community!

*Rizal, Cagayan- *Malaki ang naging pasasalamat ni Mayor Atty. Brenda Ruma ng Rizal, Cagayan dahil sa pamimigay ng ilang private sectors ng mga relief goods sa mga Agta Community sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Isa ang himpilan ng DWKD RMN Cauayan ang nagpaabot ng mga relief goods sa mga Agta kahapon katuwang ang Dr. Meneses Medical Clinic ng Tuguegarao City sa pamamahala ni Dra. Zsa Zsa Meneses, NewCore Industries, at ng RMN Foundation.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Ruma, malaking tulong umano ito para sa mga Agta Community dahil marami umano sa mga ito ang hirap sa buhay.


Dahil dito ay hirap din umanong makatuntong sa kolehiyo ang mga katutubong agta subalit sinisikap parin umano nilang tinutulungan ang mga ito at makapagpatayo ng mas malapit na paaralan sa kanilang lugar.

Bagama’t hirap sa pamumuhay ang mga agta ay sinisikap parin ng ilan na makatapos sa pag-aaral kung saan mayroon ng mga agta ang nakapagtapos sa kolehiyo.

Samantala, malaki na umano ang naging pagbabago sa Sinundungan Valley ng Rizal Cagayan, kung saan ay dati umanong nakatatak sa isip ng mga tao na isa itong nakakatakot na lugar.

Facebook Comments