Cauayan City, Isabela- Sinampahan ng isang abogado at vice mayor Vice-Mayor Bernard Glen Dao-as kasong graft and corruption, paglabag sa price act at kasong administratibo sa Ombudsman si Tabuk City Mayor Darwin Estrañero dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng thermal scanner.
Ayon kay Atty.Errol Comafay, nakakalungkot lang aniya dahil hindi nagamit sa tamang paraan ang nasabing halaga ng pera na ipinambili ng thermal scanner na overpriced.
Umapela naman sa publiko si Mayor Darwin Estrañero ng Tabuk City, Kalinga na gawin pa rin ang kanilang tungkulin matapos ang pagkakadawit nito sa umano’y overpriced na pagbili ng thermal scanner na siyang gagamitin ng Lokal na Pamahalaan.
Ayon kay Estrañero, pamumulitika ang ginagawang hakbang ng mga nagsampa ng kaso laban sa kanya dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng thermal scanner.
Dagdag pa ng alkalde, ginagamit lang ng mga ito ang tanggapan ng Ombudsman para manira subalit mayroon din namang mga naunang kaso rin na naifile laban kay VM Dao-as.
Giit pa ng opisyal, ginagawa lamang itong paraan para maiba ang imahe niya sa publiko.
Una nang kumalat ang usapin hinggil sa pagbili ng thermal scanner na nagkakahalaga ng P12,000 bawat isa sa kabuuang 100 piraso na umabot sa P1.2 million pesos.
Dawit din sa isinampang kaso ang isang pharmaceutical company sa Lungsod ng Cauayan na JPRVAM Enterprises dahil naman sa pagbibigay umano ng blangko na resibo