Alkalde ng Tanauan City, Batangas, nagbanta na puputulin ang suplay ng kuryente at tubig sa lungsod

Nagbanta ang lokal na pamahalaan ng Tanauan City, Batangas na puputulin ang supply ng kuryente at tubig sa mga lugar na sakop ng mandatory evacuation.

Ito ay kasunod ng pagmamatigas ng ilang residente na lumikas sa kabila ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Mayor Sweet Halili – binibigyan niya ng 24-oras na ultimatum ang mga residente.


Maliban sa pagputol sa supply ng kuryente at tubig, walang ihahatid na relief goods sa mga residenteng tatangging lumikas.

Giit pa ng alkalde – dapat isipin din ng mga residente ang mga rescuer na namemeligro rin ang buhay dahil sa kanilang katigasan.

Ang Tanauan ay bahagi ng 14-kilomter danger zone at ipinapatupad ang force evacuation sa 21 barangay.

Facebook Comments